Bakit ako Pa? (Kabanata 1)

0

Ako si Lance. Junior kung ako’y tawagin ng aking pamilya. Isang enhinyero. Dalawampu’t- limang taong gulang na ako ngayon. Single. Nakapagtapos ng kursong Civil Engineering sa isa sa pinakasikat na university sa Pilipinas. Galing ako sa mayamang pamilya. Ang parents ko ay pawang may magandang hanapbuhay. Tatlo kaming magkakapatid. Ako, si Liza at si Grace, ang bunso.

Halos lahat  yata ng layaw naming magkakapatid ay naibibigay. Bagong damit, gadgets, at kung ano-anu pang uso ay meron kami nyan. Lahat ng hinihingi namin ay ibinibigay ng aming magulang. Pero bakit ganun? Di ako masaya. Parang may kulang? Na kalauna’y aking natuklasan.

Ako si Lance.  At ito ang aking kwento…

Ako ay ipinanganak noong ika-lima ng Enero taong isang libo siyam na daan walumpu’t pito. Unang anak ng mag-asawang Cruz. Nabuo ako ng hindi inaasahan ng aking mga magulang. Wala sa plano. Subalit,sa paglabas ko sa mundong ibabaw, sobrang tuwa ang dulot nito sa aking mga mahal na magulang. Nung mga panahong iyon ay nagsisimula pa lang sila sa pagiging mag-asawa. Dalawampu’t-apat na taon noon ang aking ama at dalawang taon na mas bata sa kanya naman ang aking ina. Kakagradweyt lang noon ng aking ina sa kolehiyo. Dahil sa wala pang ipon at bahay na matirahan, minabuti namin na tumira sa bahay ng magulang ng aking ama.

“Ma, Pa, alam kong nakakahiya sa inyo pero kailangan talaga namin ng matutuluyan ng aking pamilya. Nahihirapan kasi kami dun sa inuupahang bahay  lalo na ngayon na andito na si Junior. Isa pa, mas malapit ito sa pinapasukan ko”. Paliwanang ng aking ama.

“Walang problema, anak. Mabuti nga yan eh lagi naming makakasama si Junior”. Sagot ng aking lolo.

“Salamat po. Pangako Pa kapag nakabili na ako ng bahay, kahit maliit lang, ay lilipat na agad kami. Gusto ko na ‘yong mga anak ko ay lumaki sa sarili din naming tahanan”. Saad ni Papa.

Nang sumunod na araw ay lumipat na nga kami sa bahay ng aking lolo. Masaya ang lahat. Walang naging problema.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Tulad ng ipinangako ng aking ama ay lumipat kami ng bahay. Nakabili kasi sya ng bahay sa isang subdivision sa tulong ng kaibigan nya na nagtatrabaho sa bangko. Limang-taon ako ng mga panahong iyon at dalawa na kaming anak. Si Liza, ang pangalawa.

Itutuloy..