NANG MAGBIRO ANG TADHANA (Part 3)

0

ANG NAKARAAN.

Part 1

Part 2

ANG PAGPAPATULOY…

Photo credit: treklens.com

Kristine. Yan ang gusto nilang ipangalan sa susunod nilang anak. Kabuwanan na ni Asing sa susunod na buwan at ngayon pa lang ay hinahanda na nila ang mga kakailanganin ng bata. Ngayong may magiging bagong supling na naman sila ay andun pa rin ang takot ng mag-asawa.

“Panginoon, malapit na po ang kabuwanan ko. Alam ko pong hindi mo kami pababayaan ni Kristine. Sa kabila ng dinanas naming mag-asawa ay andito pa rin po kami na patuloy na nanampalataya sa Inyo. Nawa’y sa pagkakataong ito ay hindi na po mawalay ang aming anak. Alam ko po lahat ng ito’y may dahilan at Ikaw lang po ang may alam. Salamat po Panginoon sa paggabay sa amin sa araw-araw. Amen.”

Ang mataimtim na panalangin ni Asing ng gabing iyon bago matulog. Naniniwala sya na tanging dasal at matibay na paniniwala sa Maykapal ang kanilang magiging makapangyarihang sandata upang malampasan ang pangamba na nadarama.

Sumapit na nga ang araw na isisilang ni Asing ang pangalawa nilang anak. Magtatakip-silim pa lang ay nakaranas na siya ng konting kirot.

“Lukas, nagsisimula ng humilab at sumakit ‘tong tyan ko. Puntahan mo na si Aling Thelma. ‘Yong midwife doon sa kabilang baryo. Bilisan mo. ” ang daing ni Asing.

“Talaga? Ah oh sige. Mahiga ka na lang muna dyan. Wag ka ng lumabas ng bahay ha.”  ang sagot ni Lukas na tila di alam ang gagawin.

Agad na umalis si Lukas. Makikita sa mukha niya ang sobrang tuwa. Sa pangalawang pagkakataon ay magiging ama na naman sya. Pinangako nya sa sarili na sa pagkakataong ito ay hindi na ito mawawala pa.

Mabilis na naabot ni Lukas ang bahay nina Aling Thelma na noon ay naghahanda ng hapunan. Malayo pa lang ay naririnig na ang pagtawag ni Lukas.

“Aling Thelma, Aling Thelma ang asawa ko ay manganganak na. Nagsisimula na pong humilab ang tyan na.” ang mabilis na sabi nya.

“Tama nga ang bilang naming. Oh sige dyan ka na muna at maiayos ko na ang mga gamit ko.” dali-daling pumasok si Aling Thelma sa kanyang kuwarto.

Sa tulong ng nirentahang sasakyan ay narating nila ang bahay nina Lukas pagkatapos ng sampung minuto. Sakto lang para maiayos ni Aling Thelma ang kanyang mga gamit ay pumutok na ang panubigan ni Aling asing. Senyales na handa ng lumabas ang sanggol.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nairaos din ni Aling Asing ang panganganak. Isang maganda at malusog na babaeng sanggol.

Pinalaki ng maayos nina Asing at Lukas si Kristine. Nasundan pa ito ng isa pang lalaki pagkatapos ng dalawang taon. SI Eric.Ginawa ng mag-asawa  ang lahat para maibigay sa mga anak ang wastong pangangailangan. Pinaaral nila ang mga ito sa mga pampublikong paaralan. Si Kristine ay nasa ika-tatlong taon nan g kolehiyo samantalang si Eric naman ay kakagradweyt lang ng high school. Minabuti ng mag-asawa na patigilin na lang muna sa pag-aaral ang kanilang bunso para may makatulong sa kanila sa pagsasaka sa bukid. Ibinuhos muna nila ang oportunidad kay Kristine. Inaasahan nila na makatapos ito sa susunod na taon.

Bachelor of Arts in Mass Communications Major in Journalism ang kinuhang kurso ni Kristine sa isang pampublikong unibersidad na malapit sa kanilang bayan. Isa lang ang dahilan ni Kristine bakit nya kinuha ang ganitong kurso. Ang magkaroon ng dahilan na puntahan at makausap ang mga taong iba ang paniniwala kaysa sa karamihan. Mga taong may ipinaglalaban na sa tingin nila ay tama at naaayon lamang. Gusto nyang maintindihan at marinig ang mga hinaing nito. Mga hinaing na tila kay bigat at di napapansin kaya nakakagawa ang mga ito ng mga bagay na labag sa batas tulad na lamang ng pagkuha sa kanyang nakakantandang kapatid. Nais nya mawala ang sakit at pagkamuhi na kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng paraang ito.

Pagkalipas ng isang taon…

“Nay, Tay ito na po ang hinihintay nating lahat. Ang diplomang ito ang syang magbibigay sa atin ng magandang buhay. Pangako po yan.” Sambit ni Kristine habang yakap-yakap ang mga magulang sa araw ng kanyang pagtatapos.

“Salamat anak. Papatnubayan ka ng Poong Maykapal.” Tugon ni Asing na naluluha na.

Masaya ang buong pamilya sa pagtatapos ni Kristine. Para sa kanila, simula na iyon ng panibagong buhay para sa kanilang lahat.

Pagkatapos ng isang linggo ay lakas-loob na nagpaalam si Kristine sa mga magulang. Nais nito na lumuwas ng Maynila para doon maghanap ng trabaho.

“Nay, Tay, magpapaalam sana ako. Luluwas ako ng Maynila kasama ang mga kaklase ko. Doon kami maghahanap ng trabaho.” Seryosong sabi ni Kristine.

ITUTULOY..
ABANGAN.. Part 4 – Ang Pagwawakas

Paalala: Ang mga karakter at pangyayari sa kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay di sinasadya.