AMALAYER?

Photo credit: mackjackandjill.com

Nahuli ko ang sarili kong nakatutok sa screen ng computer ko. Nakatingin sa larawan ng taong mahal na mahal ko na nakapost sa  Facebook page nya. Biglang bumalik sa isip ko ang mga nangyari sa akin sa Pinas sa mga nakalipas na buwan nung kasama ko pa ang mga importanteng tao sa buhay ko. Napagtanto ko na wala namang kakaibang nangyari maliban sa isang tagpo na tumatak sa isip ko.

Magtatatlong buwan na  ang nakalipas buhat ng umalis ako ng Pinas. Ganun din kahaba ang panahon na di ko nakita ang isang taong napakaimportante sa akin. Siya ay masasabi kong minahal ko ng lubusan. Minahal higit pa sa aking sarili. Alam nya ‘yon.

Ngunit dumating ang punto na kailangan kong magdesisyon. Desisyon na alam kong magbabago sa buhay naming dalawa.Mahirap. Masakit. Kailangang magsakripisyo. Tiwala at pagmamahal lamang ang pinanghahawakan sa isa’t-isa.

“Babe, gusto kong mag-abroad”.

“Ha? Seryoso ka babe? Di nga.”

“Oo seryoso. Mukha ba akong clown ngayon?”

“Di naman.Pinag-isipan mo na ba yan? Pa’no na ako? Pa’ano na tayo?”

“Oo napag-isipan ko na. Alam mo naman sitwasyon ko di ba? Kelangan ko muna tulungan ang pamilya ko.  At para na din sa atin ‘to. Alam kong kaya natin ‘to.”

Tumulo na lang ang kanyang luha.

‘Mahal na mahal kita babe. Masakit at di ko alam pa’ano ihandle ang ganitong sitwasyon pero alam kong makakabuti ‘to para sa ating lahat. Hihintayin kita babe.”

“Salamat babe. Mahal na mahal din kita. Masasanay din tau. Basta dapat may komunikasyon tayo lagi. Walang bibitiw babe ha.”

Pilit ko pinipigilang umiyak. Ayaw kong ipakita sa kanya na para bang di ko kayang panindigan ang desisyon ko. Oo, sobrang sakit ang tagpong iyon lalo na sa kanya. Alam kong parte lang ng buhay ang pagsubok at handa akong harapin ‘yon.

Dumating ang araw na kailangan ko ng lumisan. Isang pinakamalungkot na araw sa aming buhay. Di ako makatitig sa kanya ng diretso. Ayaw ko makita syang nahihirapan dahil sa desisyong alam kong medyo unfair sa kanya.

Ngayon nga ay  di ko na sya kasama. Lagi namin itinatanong sa isa’t-isa kung KAYA pa namin. Kung OKAY lang ba kami. At lagi naming sagot ay OO.

Bigla akong napahinto sa aking paggunita. Tumambad kasi sa akin ang isang link mula sa isang kaibigan. May titulong “THE RUDE PASSENGER”. Isang eksena sa LRT station sa pagitan ng isang pasahero at babaeng security guard. Pinanood ko upang malaman ang buong istorya.

Napagkumpara ko ang mga pangyayari sa buhay ko at ang laman ng vidyo.

Ako din pala ay dapat magtanong ng AMALAYER?

Kasi sa tatlong buwan na lagi akong tinanatong kung OKAY LANG AKO. Ang sagot ko ay OO.

Pero ang totoo – HINDI.

Advertisements

One thought on “AMALAYER?

  1. I Feel you pre. Kahi ako nung una kong sabak at alis noon ganyan rin nararamdaman ko. I was not OK. I miss everything. I miss my family and friends. Naiiyak ako minsan sa kwarto kung baket ba ako umalis alis eh ang saya saya ng buhay ko sa Pilipinas. Ang sabi ko noon cge 1 year lang ako sa labas ng Pinas at babalik agad after. Lumipas ang 1year ang sbai ko sige hanggang 2 yrs… hanggang sa umabot na ng 7years na nag iisa pero nandito pa rin ako. Alone pero I think I am better than before.

    Ang advise ko sayo para kayanin mo, think of the good things and not the bad things. Look at ur bank account every month then it will make u excite. Buy things na noon inde mo kayang bilhin! Make urself busy. Think of your OBJECTIVES as an individual. Think of how much you can help your family the most. 🙂

    I’ve just screwed up my last Long Distance Relationship so I dont think im fit enough to give an advise in that part ehehehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s