All I want for CHRISTMAS is YOU

Photo credit: sakura-hostel.co.jp

“Magdidisyembre na nga talaga. Akala ko sa Pinas lang may ganito.”

Ang unang pumasok sa isip ko nung maramdaman ko ang simoy ng hangin habang pauwi ngayong gabi sa bahay.

Ibang-iba talaga ang temperatura ngayong araw na ‘to. Masarap na sa pakiramdam. Malamig. Sarap may kayakap. Di kagaya ng mga nakaraang buwan na kahit hapon na ay maalinsangan pa rin. Ang lagkit sa katawan. Naisip ko tuloy na epekto kaya ‘to ng global warming. Choks! Para maiba lang.

Simula na nga yata ng sinasabi nilang winter season dito sa Gitnang Silangan. Eh paano yan? Sobrang bago ‘to para sa akin. Goodluck na lang! Kaya cguro sabi ng mga kasama ko dito eh kailangan ko na bumili ng mga tissue damit panglamig para may pangpunas maisusuot ako. Gaano kaya kalamig ang taglamig sa lugar na walang  kaSisig? Gets mo?

Sabi pa nga nila eh panahon na din daw ng sand storm. Ano na lang ‘yon? Eh kung sa Pinas kelangan mo ng payong dahil laging umuulan, dito sa Saudi ano naman?

Tsing-tsing-tsing…….The One Million Peso Jackpot question ni Bossing !

Mga pagpipilian.

a. Kapote (May ulan? O tanga lang?)

b. Kumot (Antok? Ready na matulog)

c. Kamay (Parang fingering kumakain lang)

d. Wag na lang lumabas ng bahay (Bilanggo?)

e. Umuwi ng Pinas (Hahaha)

Pili na! Awwwwwwwwww! Spagiteng pababa ng pababa.

Wala lang. Baliw na!

Seriously speaking (English yan ha), magiging problematic ako sa darating na mga araw. Kasi naman di ako sanay sa malamig lalo na pag walang pampainit. Nakakaumay kaya ang magsarili. Ganito ang mga nakikitang kong problema.

Una, puputok na naman ang mga labi ko. Paano na ‘yan masisira na ang mala-Sam Milby kong lips. Ano na lang sasabihin ng mga fans ko? Tagos!

Pangalawa, mahihirapan akong maligo tuwing umaga. Kailangan ko pa ng mainit na tubig. Haist! Lalabas na naman ang kakambal kong kambing!

Pangatlo, kailangan ko laging magdala ng sunglass para panangga sa sand storm. Paano na ‘yan? Marami na namang maghahabol sa akin. Problema nga!

Pang-apat,  syempre dahil malamig eh kailangan ko pumorma ng

ala-Robin Padilla

Photo credit: philstar.com

o di kaya kagaya ni

Photo credit: crazy-frankenstein.com

santa?

Baka di ako makauwi ng bahay. Alam mo na.

Panghuli, tataas ang bill ng kuryente dahil sa pangalawa.

Syempre, masasayang ang oras mo kasi babalikan mo kung ano ‘yon. Tapos malalaman mo na may pagkaKAMBING ako. Tapos tatawa ka na mala- giraffe.

Sa totoo, namimiss ko lang ang pamilya ko kaya ko naisulat ang walang kwentang post na ‘to. Na binasa mo naman. Ganun talaga minsan kelangan natin maging tanga. Jokeslang!

Gusto ko lang naman talaga sabihin na “ALL I WANT FOR CHRISTMAS IS YOU”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s