NANG NAGBIRO ANG TADHANA (Part 1)

Sa isang nayon ng North Cotabato ay may mag-asawang naninirahan malapit sa bundok. Sila ay sina Lukas at Asing. May tatlong anak. Dalawang babae at isang lalaki. Pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay kaya tiniis ng mag-asawa ang mamuhay sa bundok kahit na malayo sa mga kapitbahay. Si Lukas ay araw-araw na nasa bukid samantalang si Asing naman ay dalawang beses sa isang linggo pumupunta ng bayan para magtinda ng mga kakanin.

Dalawang taon na silang kasal bago nagkaroon ng unang anak. Si Carlos. Isang malusog na sanggol ng iniluwal ni Asing. Lalong nakita ang pagiging magandang lalaki ni Carlos habang ito’y lumalaki. Nakuha nya ang mapupungay na mga mata sa kanyang ama at ang matangos naman na ilong sa kanyang ina.

Masaya ang dalawa sa pagdating ng bata sa buhay nila. Inalagaan nila ito ng maayos at ginagawa ang lahat para mabigyan ito ng magandang buhay habang lumalaki.

Ngunit ang kasiyahang ito ay napalitan ng lungkot at pighati ng isang araw ay nangyari ang di inaasahan ng mag-asawa. Mag-aalas kuwatro noon ng hapon.

Bang… bang…. Bang… bang…tunog mula sa di kalayuan ng bahay ng mag-asawa.

Wala sa bahay si Lukas ng mga panahong iyon. Nasa bukid na isang kilometro ang layo mula sa kanilang tahanan kaya ganun na lang ang takot na nadarama ni Asing.

Ano ‘yon? May barilan yata sa di kalayuan dito ah? Panginoon, ‘wag mo naman pabayaan ang asawa ko. Nangangarag na sambit ni Asing.

Dali-daling kinarga ni Asing ang anak nito na noon ay dalawang taon pa lamang at naglalaro sa may sala.

“Nay a-no po ang mala-lakas na tu-nog na ‘yon? Nata-ta-kot po ako.. Huhuhuhu “…. nakahikbing tugon ng bata.

“Wala anak. Wag ka ng umiyak. Mawawala din ‘yon mamaya. Tahan na” tugon ng ina habang haplos-haplos nito ang likod ng bata.

Agad na dinala ni Asing si Carlos sa loob ng kuwarto. Lumabas ito at dali-daling sinara ang mga bintana at pinto.

Bumalik ito sa loob ng kwarto na balisang-balisa. Kinuha ang rosaryo na nakalagay sa may altar. Lumuhod katabi ng bata at sinimulan ang pagdadasal. Pumikit ito habang hawak-hawak ang rosaryo. Taimtim na nagdasal ngunit di pa sya nangangalahati sa pagrorosaryo ng biglang..

Blaggggg.. Tunog ng pwersahang pagbukas ng pinto.

Nabigla si Asing at napadilat ito. Hinawakan niya ang bata ng mahigpit habang hawak ng kaliwang kamay naman ang rosaryo.

“Lukas, ikaw ba ‘yan?

Sigaw ni Asing habang binubuksan ang pinto ng kwarto. Ngunit imbes na si Lukas ang makita ay tumambad sa kanya ang limang armadong kalalakihan na mata lamang ang nakikita.

“Sino kayo? Anong kailangan nyo sa amin? Wala kaming pera. Maawa po kayo sa amin. Wag nyo po saktan ang an…

Di pa man natapos si Asing sa kanyang pagmamakaawa ay may kung anong matigas na bagay na dumampi sa kanyang ulo. Agad itong nawalan ng malay-tao..

Dinala ng mga armadong lalaki si Carlos sa bundok kung saan nagtatago ang mga ito. Ginawa nila itong bihag na noong mga panahong iyon ay hinahabol ng mga pulis.

Samantala, di makapaniwala si Lukas nang tumambad sa kanya ang asawa na naliligo sa sariling dugo. Tatlumpong minuto ang lumipas mula nang lisanin ng mga armado ang lugar. Hawak-hawak pa rin ni Asing ang rosaryo. Agad na dinala ni Lukas ang asawa sa pinakamalapit na bahay-pagamutan.

ITUTULOY…

Advertisements

2 thoughts on “NANG NAGBIRO ANG TADHANA (Part 1)

  1. Pingback: NANG MAGBIRO ANG TADHANA (Part 2) | Si TOTOY at ang BUHAY

  2. Pingback: NANG MAGBIRO ANG TADHANA (Part 3) | Si TOTOY at ang BUHAY

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s